Alexa Ilacad, naglabas ng hinanakit ng mabalitaan ang backstabbing isyu umano ni Brenda Mage sa kanya!

Alexa Ilacad, magiging “professional” pa din daw sa harap ni Brenda Mage.

Naging usap usapan ang mga kaganapan sa loob ng bahay ng Pinoy Big Brother nitong mga nakalipas na linggo.

Isa sa mga naging mainit na usapin sa social media ay ang nga naging komento ni Brenda Mage sa kanyang kapwa housemate na si Alexa Ilacad.

Ayon kay Brenda, ganda lang daw ang ambag ni Alexa sa loob ng bahay ni Kuya.

“Tignan mo sa grupo nila, siya yung iyakin kasi wala siyang nagagawa. Wala siyang silbi. Ganda lang talaga,” komento nito sa aktres.

Sa naging KUMU live kung saan kasama si Alexa, natanong naman ang dalaga kung paano daw niya kakausapin ang taong nagbigay ng negatibong komento tungkol sa kanya pag labas ng bahay.

Nagpabigay naman ng specific person si Alexa at si Brenda Mage ang nabanggit.

Para kay Alexa, hindi niya na daw pinanood ang mga videos o clips sa loob ng bahay noong hindi pa siya lumalabas.

Pero aminado ang aktres na nasaktan daw siya sa mga naging pagtingin sa kanya.

“I’m not gonna lie and be hypocrite. And I will say na masakit. Ang sakit talaga,” paglalabas ng aktres.

Sa huli, mas paiiralin pa din daw ni Alexa ang pagiging professional niya.

“And also, kung makita ko man siya, I’m a professional. I will be civil with that person,” saad nito.

Ilang beses din binoto ni Brenda si Alexa noong mga nagdaang nomination nights.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *