Isang jeepney driver, nagawa pang iligtas ang kaniyang mga pasahero bago bawian ng buhay!

Trending ngayon ang kwento ng mapait na sinapit ng isang jeepney driver matapos ibahagi ng ilan niyang mga pasahero ng nangyari sa kaniyang pinaka huling biyahe.

Ayon sa mga pasahero nito, napapansin na nilang hindi na maganda nag nararamdaman ng driver ngunit ipinagpaliban nila ito.

Kung kaya naman nagtaka sila noong unti-unting nag maniobra ang driver ang pinapasada nitong jeep at dahan-dahang itinigil sa tapat ng Tagaytay Supreme Court bago sabihing “Hindi ko na kaya,”

At doon, nasaksihan nila kung paano bawian ng buhay ang kawawang driver.

Ang nasabing ginoo ay kinilala bilang si Tatay Pepe, tubong Palumlum, Alfonso Cavite.

Kwento pa ng kaniyang mga pasahero, naganap ang kalunos-lunos na insidente habang binabaybay nila ang Mahogany Ave.

Lubos naman ang pasasalamat ng kaniyang mga pasahero dahil sa kabila ng kaniyang nararamdaman ay nagawa pa niyang isipin ang kapakanan nila at siguraduhing hindi sila mapapahamak.

Samantala, narito naman ang komento ng netizens:

“Salute kay tatay Pepe
Rest in peace po.
Condolence po sa family.”

“ung mamamatay kanalang,may kabutihan kapang nagawa..
rest in peace po..😥condolence po sa family😥”

“Rest well po Tatay. You are in God’s hands. Condolence po SA family ni Tatay Pepe😓”

“Nakakalungkot po. Rest in Peace Tatay. Bayani po kayo at iniligtas niyo buhay ng inyong mga pasahero bago niyo inisip kapakanan ninyo. Sa pamilya po ni tatay. Nakikiramay po kami”

“this a kind of hero before living the earth you will always remember by the peoples you’d save”

“C0ndolence po tlgang npakabuti ng puso m0 sumalangit nawa po kau sa amang mapagmahal”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *