Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich nakita ng isang netizen na sweet sa isat-isa sa Rockwell.

Mukhang nangangamoy comeback na ata para sa dating magkasintahang Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich

Noong mga unang linggo ng buwan ng Nobyembre, napabalitang tinapos na nina Wil at Alodia ang kanilang relasyon.

At ilang araw lang din ang lumipas ay kinumpirma na ni Alodia na hiwalay na nga sila ni Wil. Matapos ang halos apat na taon na kanilang pagsasamahan

Ayon sa Facebook post ni Alodia, sinubukan daw nilang ayusin ang relasyon subalit nauwi pa rin ito sa hiwalayan.

Saad ni Alodia, “To those asking, wala na kame It’s been a while. We try to work things out many times but some things are not mean to be. I hope you respect our privacy during this time in our lives.”

Nalungkot ang  kanilang mga taga hanga sa pahayag na ito ng dalaga. Buong akala umano kasi nila na sa kasalan na din mauuwi ang pagmamahalan ng kanilang mga idolo.

Couple goals na kasi kung ituring ng kanilang mga fans ang relasyon ng dalawa.

Samantala, tila nagkabalikan na umano ang dalawa dahil sa isiniwalat ng isang netizen. Kung saan nakita niya umano sina Wil at Alodia sa isang mall.

Naglalambingan pa daw ang dalawa at tila hindi naman naghiwalay.

Binati pa daw ng nasabing netizen si Alodia pero parang nagulat daw ang dalaga at bigla na lamang umalis. Naglayo din daw ang dalawa habang naglalakad ang mga ito.

Ayon pa nga sa nasabing netizen ay kung nagmamahal sina Wil at Alodia ay hindi nila dapat ikahiya. Kung sakali man na nagkabalikan na nga talaga sila.

Well, comeback is real na nga ba ito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *