Barbie Imperial, may sinabi kay AJ Raval na talagang usap-usapan ngayon ng marami!

Gumawa na naman ng ingay sa social media ang Viva starlet na si AJ Raval. Ngunit sa pagkakataong ito, muli na naman siyang nagkaroon ng bad publicity matapos matawag na ‘kabit’ ni Barbie Imperial. Ayon sa sources, nililigawan di umano ni Diego Loyzaga si AJ.

Mariin naman itong itinanggi ni Barbie. Sa kanyang nagdaang interview, iginiit ni Barbie na tila nag-eenjoy si AJ tuwing nasasangkot siya sa mga third party.

Matatandaang noong Oktubre lamang nang masangkot rin si AJ sa hiwalayan ni Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Ayon kay Barbie, naging magka-trabaho ang boyfriend niyang si Diego at si AJ sa pelikulang “Death of a Girlfriend.”

Noong mga panahong iyon ay boyfriend pa ni AJ si Axel Torres. Ngunit wala raw namagitan sa dalawa, at nanindigan si Barbie na walang interes si Diego sa starlet.

“Yung about doon kay AJ Raval, for me kasi, if wala kang kinalaman or alam mo naman na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka. So, parang for me, bakit parang gusto mo na nangyayari ito lahat? Na nagka-thing kayo ni Diego? So, parang sa akin, ‘O, gusto mo pala ‘to,’ parang ganoon.”

Dagdag pa ni Barbie, kung totoong walang kasalanan si AJ ay dapat lang na magsalita ito at linawin ang isyu. Ngunit mukhang si AJ pa daw mismo ang nagpapakalat ng tsismis, dahil umabot kay Barbie na magkaibigan si AJ at ang isa pang online marites na si Xian Gaza.

“Actually, friend ko siya noon. Tinanggap namin siya, sobrang bineybi namin siya sa grupo namin, kasi nga girlfriend siya ng best friend ko na si Axel. So, tinanggap namin siya. So, nagulat lang ako na andaming nangyayari na, ‘Okay, gusto mong maging kabit, e, hindi ka nga gusto ng boyfriend ko.”

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *