Isang Netizen Ang Hindi Daw Makatulog Kaya Nagpadala Agad Ng Mga Katanungan Kina Aljur Abrenica, AJ Raval, Kylie Padilla, Robin Padilla at JM De Guzman

Kinaaaliwan ngayon sa social media ang netizen na si Che Malabanan-Catapang matapos magpadala ng private message sa mga controversial personalities na sina Aljur Abrenica, Kylie Padilla, JM De Guzman, AJ Raval at Robin Padilla.

Naging kontrobersyal nga kamakailan ang dating mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica matapos mapabalita ang kanilang naging hiwalay@n.

Sa kasagsagan ng balitang hiwalay@n nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, nagsalita naman si Robin Padilla na ama ni Kylie at tila ba pinapanigan pa ang dating son-in-law na si Aljur ABrenica.

Kasalukuyang nalilink ngayon ang aktor na si Aljur Abrenica sa rising actress na si AJ Raval. Idagdag pa ang pag-share ni AJ Raval sa isang mensahe ni Aljur Abrenica sa social media patungkol sa dating asawang si Kylie Padilla.

Ayon sa nasabing mensahe ni Aljur, pinapaamin nya si Kylie Padilla na sya talaga ang unang nangaliwa at tuluyang nanira sa kanilang relasyon.

Kahit walang binanggit na pangalan, ayon sa mga netizens ay ang Kapamilya actor na si JM De Guzman ang tinutukoy ni Aljur Abrenica.

Sa ngayon ay trending ang isang netizen matapos maglabas ng kanyang mga screenshots na nagpapakita ng kanyang mga private messages kina Aljur Abrenica, Kylie Padilla, Robin Padilla, JM De Guzman at AJ Raval na tila ba nakikiusyoso sa kanilang mga kalagayan.

Ayon kay Che ay hindi na daw sya makatulog dahil sa kanilang issue kung kaya naman ay sya na mismo ang nag-private message mismo sa mga artistang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *