Ruffa Gutierrez, Tumutol Matapos Magpabili ang mga Anak ng Pusang Nagkakahalaga ng P300,000

Kahit ano ay gagawin ng mga magulang para sa kanilang anak. Basta’t ito’y nasa abot ng kanilang makakaya, ibibigay nila ang kahit ano mang hilingin ng mga ito. Ngunit may mga pagkakataon talaga na hindi ka papayag sa nais ng iyong anak, lalo na kung masyado itong mahal. Gaya na lamang ng naging karanasan si Ruffa Gutierrez.

Kamakailan lang, sa isang episode ng “Reyna ng Tahanan” sa “It’s Showtime” ay ibinahagi ni Ruffa ang nakakalokang experience niya sa kanyang dalawang anak na sina Venice at Lorin Bektas.

Ayon sa dating beauty queen, humiling ang dalawang anak niya na magkaroon ng pusa. Ngunit nawindang siya sa halaga ng breed na nais ng dalawa!

Nagulat raw si Ruffa matapos malaman na mahigit P300,000 ang presyo ng pusa. Matapos malaman ito, nagbiro pa ang dating beauty queen na mas gugustuhin niya na lang mag-ampon ng pusa mula sa kalsada upang alagaan ng kanyang mga anak.

“Ang gusto talaga ni Venice at Lorin bumili ako ng pusa. Eh yung pusa na gusto nila ay P300,000. Sabi ko, kumuha na lang tayo sa kalye ng pusa at alagaan. Sabi ko yung P300,000 marami ng pwedeng gastusan yan, especially during the pandemic diba? Eh yun talaga yung gusto nila, yung pusang malaki ang mata na very furry.”

Ngunit kahit pa afford ito ni Ruffa, hindi daw siya pumayag sa kagustuhan ng kanyang dalawang dalaga. Ayon kay Ruffa, hindi biro ang P300,000 na halaga para lamang sa iisang pusa. Sa halip ay mas nanaisin niya na lang na ilaan ito para sa pangangailangan nilang mag-iina, lalo pa’t nasa kalagitnaan tayo ng pandemic.

Sa kabilang banda, hinangaan naman ng mga netizens ang desisyong ito ni Ruffa. Ayon sa kanila, kahit pa lumaki sa marangyang buhay ang dalawa ay hindi naman sila pinalaking spoiled ng kanilang ina.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *