Kylie Padilla, walang ibang hiling para sa dating asawang si Aljur Abrenica kung hindi ang kasiyahan niya

Tila wala nang namuuong sama ng loob at poot sa damdamin ng aktres na si Kylie Padilla para sa asawang si Aljur Abrenica matapos ang kanilang hiwalayan ilang buwan na ang nakararaan.

Kamakailan lamang ay kumakalat sa interet ang kumpirmasyon ng pang liligaw ni Aljur, 31, sa young sexy actress na si AJ Raval, 21, na pumukaw ng pansin ng netizens.

Agad na tumalon sa konklusyon ang karamihan na maaring si AJ ang third party at dahilan ng hiwalayan ng dalawa, ngunit nauna nang pinag diinan ni Kylie sa isang messenger group ng kaniyang mga fans na hindi ito ang totoong nangyari.

Matatandang nilinaw na rin ni Kylie sa isang tweet na matagal na nilang napag usapan ni Aljur ang pagiging bukas sa pakikipag date at pakikipag relasyon sa ibang tao at maayos umano nilang napag kasunduan ang bagay na ito.

Para sa kaniya, mas mahalaga aumano ang kapakanan ng kanilang dalawang anak na si Axl at Alas, kung kaya naman hanggat maari ay gusto nilang makapag establish ng mapayang co-parenting set-up upang hindi mahirapan ang mga bata.

Sa panayam naman ni Kylie sa PEP.ph. ekslusibo niyang inamin na wala siyang issue sa pakikipag date ni Aljur kay AJ.

At bilang ama ng kaniyang anak at lalaking minsan niyang minahal, wala siyang ibang hiling sa Kapuso actor kung hindi ang maging masaya ito.

“Alam niyo, gusto ko lang maging masaya siya sa buhay niya.

“Kasi, siya pa rin ang tatay ng mga anak ko. Kahati ko siya sa pagpapalaki sa kanila.

“And kung nararamdaman ng mga anak ko na hindi masaya yung tatay nila, aba, hindi ko gusto yun.

“Gusto ko maramdaman nila na happy yung tatay nila.”

Dagdag pa niya, hindi rin umano kasalanan ng kanilang mga anak ang hiwalayan na nangyari.

“Kasi failure namin as parents yung nangyari, so kailangan na namin bumawi in some other way. Kailangan naming masaya in our own separate ways.

“Para makita nila buo pa rin sila, ‘kasi happy yung parents ko,’ ganun pa rin sila. Gusto ko ganun sila mag-isip.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *