Ikinalungkot ng mga Fans ang Kalagayan Ngayon ni Lani Misalucha na Mas Lumalala..

Asia’s Nightingale Lani Misalucha ay naging emosyonal sa isang panayam kamakailan at sinabi niya na baka hindi na siya makakanta pa kung mangyari ito.

 


Matatandaang si Lani at kanyang mister na si Noli ay  nag suffered ng bacterial meningitis. Because of this, they lost their sense of hearing for quite some time.

Ibinahagi ni Lani na kailangan nilang gumamit ng mga hearing aid upang makarinig sila.
Dahil dito, ang karera sa pag-awit ni Lani ay lubos na apektado dahil ang pandinig ay isa sa mga pangunahing kailangan sa propesyong ito.

Sa isang bagong panayam , inilahad ni Lani Misalucha na lumala ang kanyang kalagayan matapos ang pakikipaglaban sa bacterial meningitis.

Sinabi ni Lani Misalucha na nagtataka pa rin siya hanggang ngayon kung paano niya nalampasan ang malaking balakid na kinakaharap niya.


“Alam mo ‘yun, parang hindi mo aakalain na mangyayari sa ‘yo ‘yung nangyari para kang caught off guard talaga, parang it’s just really happening,”


Inamin din niya na mayroong malaking posibilidad na ang epekto ng bacterial meningitis ay magiging permanente. Ang kanyang mga kondisyon, pati na rin ang asawa niya, ay lumala pa.


“Well, since mag-anniversary na kami ng husband ko next month since ma-ospital, one year na, parang mukhang permanent na ‘yung damage kasi, sabi nila, at least half a year dapat meron ng improvement o changes. May nakita kaming changes pero ‘yung changes nag-worsen,” saad pa nito

 



Idinagdag niya na ang kanyang balanse ay naapektuhan din. Sinabi ni Lani na hindi na siya makakasayaw.


Ikinalungkot naman ng mga fans ni Lani Misalucha ang pangyayaring ito


Marami naman ang nagpaabot ng mga mensahe ng suporta para Lani Misalucha. Ipinapakita lamang nito na maraming mga naniniwala pa rin sa kanyang talento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *