Tingnan ang napaka-cute na page-ehersisyo ni Baby Talitha Sotto kasama ang kanyang mommy Pauleen!

Kinagigiliwan ngayon ang isang video na ibinahagi ni Pauleen Luna-Sotto sa kanyang social media account kung saan mapapanood dito ang ginagawa nilang pag-eehersisyo kasama ang kanyan anak na si Tali. Dito pinapanood ni Tali at ginagaya ang ginagawang page-ehersisyo ng kanyang ina.

Mapapanood sa video, na sa kalagitnaan ng kanilang ginagawa laging pinupuntahan ni Tali ang kanyang mommy Pauleen para halikan ito sa lips na labis na ikinatuwa ng mga netizens. Maraming netizens ang naaliw sa ginagawang kakulitan ni Tali sa kanyang mommy.

Mapapanood din dito na wala pang isang minuto ay umalis din si Tali dahil napagod ito at hinayaan na lamang niya ang kanyang mommy na mag-work out mag-isa.

Narito ang iilan sa mga nakakaaliw na mga komento ng mga netizens:

“Tali, pagkatapos magexercise, punta ka sa kusina, buksan ang fridge, ang dami mong makikita doon na masasarap.”

“Hindi kinaya ni Tali ang isang minuto umalis kagad siya, ang cute! Pero napakaganda ng ginagawa ni Ms. Pauleen dyan dahil atleast nakikita siya ng anak niya na nagwo-workout at paglaki niya mas lalo pa siyang mamo-motivate na mag-exercise.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *