Kylie Padilla, hinangaan ng mga netizens dahil sa napakaganda nitong mindset para sa ikasasaya ng kanilang anak ni Aljur Abrenica

Nagbigay ng reaksyon ang Kapuso actress na si Kylie Padilla. Sa balitang dating na ang kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica at daring actress na si AJ Raval.

Sa exclusive interview ng PEP.ph kay Kylie, ibinahagi ng aktres na gusto niyang maging masaya si Aljur. Kahit pa man hindi na ito sa kanyang piling.

Hangad umano ni Kylie ang kasiyahan sa buhay ni Aljur dahil ito pa rin naman daw ang tatay ng kanyang dalawang anak. Na sina Alas at Axl.

Ani Kylie, “Alam niyo, gusto ko lang maging masaya siya sa buhay niya.” Kasi, siya pa rin ang tatay ng mga anak ko. Kahati ko siya sa pagpapalaki sa kanila.”

“And kung nararamdaman ng mga anak ko na hindi masaya yung tatay nila, aba, hindi ko gusto yun. Gusto ko maramdaman nila na happy yung tatay nila,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Kylie na hindi kasalanan ng dalawa nilang anak ang nangyari sa kanilang mag asawa.

“Kasi failure namin as parents ‘yung nangyari, so kailangan na namin bumawi in some other way. Kailangan namang masaya in our own separate way,” saad ni Kylie.

Pagpapatuloy pa ng aktres, “Para makita nila buo pa rin sila, ‘kasi happy yung parents ko,’ ganun pa rin sila. Gusto ko ganun sila mag-isip.” 

Sa ngayon na dating na ang status nila AJ at Aljur, naitanong naman kay Kylie kung meron na ding nagpaparamdam sa kanya. Na gusto na din siyang ligawan o ayain makipag date.

Sagot dito ng aktres, “Wala pa, e, marami akong friends, pero wala pa yung gusto akong mai-date. Wala pa.”

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang panayam:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *