Direk Bobet, hindi napigilang bumuhos ang luha habang ipinapaliwanag ang tunay na dahilan kung bakit nilisan ang Kapamilya at It’s Showtime

Hindi napigilan ni Direk Bobet Vidanes ang maluha habang ipinapaliwanag niya ang dahilan ng pag-alis niya sa It’s Showtime

Sa Monday episode ng Lunch Out Loud ay nagbigay ng mensahe ang mga host para sa kaarawan ni Direk Bobet.

Unang nagsalita ay si Bayani Agbayani at pinasalamatan niya ang direktor sa kanilang matagal ng pagsasamahan bilang magkaibigan.

Sumunod naman ay si Isabel Diaz, nag-wish siya ng true success para sa kanyang tito.

Todo pasalamat naman si K Brosas sa mga payong ibinibigay sa kanya ni Direk Bobet. Dream come true naman daw para kay Wackie Kiray ang makatrabaho ang direktor.

Wish naman nina Ariel Rivera at Jeffrey Tam na makasama pa nila ng matagal si Direk Bobet. At mag-grow ang kanilang show tulad ng nagawa nito sa It’s Showtime.

Nang si Alex Gonzaga na ang nagbigay ng mensahe ay napasok na nga ang tungkol sa Showtime.

Nagine emosyonal pa nga ang sagot ni Direk sa sinabi ni Alex na sana ay hindi sila iwan ni Direk Bobet kahit anong mangyari.

Saad ni Direk Bobet, “Yes I will stay, hangga’t gusto niyo kong andito I will stay.”

At doon na nga bumuhos ang luha ni Direk ng ipinapaliwanag na niya ang tunay na dahilan ng pag-alis niya sa Showtime.

“Baka di ko kayanin kasi never akong nagsalita after ‘kong umalis sa ABS. Ang daming nagpaunlak sakin na baka pwedeng mag-explain ako. Never ‘kong ginawa,” aniya.

Yung pagtatrabaho ko po sa kabila, hindi na po healthy. Ma’ma’ma’tay po akong maaga, ang ganda nung programa pero it’s not healthy anymore. To make it short lang, I’m here sa ‘Lunch Out Loud’ or any program, no pressure, ayan happy naman. It’s not about the money, it’s about health,” dagdag pa ni Direk.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *