Catriona Gray at Sam Milby, Sweet na Sweet sa Kanilang Romantic Getaway sa Mauritius!

Karamihan sa atin ay naghahangad na makapag-travel kasama ang ating mahal sa buhay. Talagang wala ng mas nakakatuwa pa ang makasama silang gumawa ng bagong ala-ala sa mga lugar na pinapangarap niyong puntahan.

Kaya naman hindi na inaksaya pa ng celebrity couple na sina Catriona Gray at Sam Milby ang pagkakataon upang makapag-travel sila.

Dahil parehas na hectic ang schedule nila, minsan na lamang makahanap ng oras para sa isa’t-isa si Catriona at Sam. Kaya naman nang magkaroon sila ng time na mag-travel ay hindi na nila ito pinalampas pa. Kamakailan lang, nagkaroon sila ng romantic getaway sa Mauritius.

Ayon kay Cat, talagang excited siya sa kanilang travel adventure. Sa Instagram, nagbahagi rin siya ng mga larawan nila, kung saan makikitang enjoy na enjoy ang dalawa sa kanilang bakasyon.

Ayon pa sa dating beauty queen, kahit pa masama ang panahon ay nagawa pa rin nilang mag-tour sa mga tourists spots.

“It’s been a long trip but such a relaxing and seamless one. It was raining the entire drive over, but as soon as we came to the last part of our hike and stepped out to the head of the Waterfall, the sun came out and blessed us. God showing off all His beautiful creation,” pahayag ni Catriona.

Sa kabilang banda, excited na rin si Cat para sa kanilang bagong proyekto ni Sam. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magtatambal ang magkasintahan sa kanilang on-screen project. Ayon kay Cat, ang kanilang kaabang-abang na proyekto ay collaboration nila sa Global Child TV.

“An inspirational brand based around traveling with purpose that explores the world through amazing experiences as life lessons are shared with the help of international influencers, social media, and local communities.”

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *