Super Tekla, humihingi ng prayers sa mga netizens dahil sa malubhang kalagayan ngayon ng kanyang anak na si Baby Angelo

Humihingi ng panalangin ang komedyanteng si Super Tekla para sa agarang paggaling ng kanyang anak na si Baby Angelo.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Super Tekla na nagpositibo sa C0’VID ang kanyang bunso. Kaya naman nanawagan ang komedyante ng panalangin.

Emosyonal na post ni Super Tekla, “Kahit Anung ingat… Need your prayers for Angelo confined,QCGH C0’VID, Ama di ko alam ang gagawin. Kayo na ang bahala kay Angge”

Ang Quezon City General Hospital ang tinutukoy na ospital ng Kapuso comedian na kinaroroonan ng kaniyang anak.

https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FSuperTeklaLibrada%2Fposts%2F4566364430095005&show_text=true&width=500

Agad namang bumuhos ng panalangin at suporta mula sa kanyang mga fans ang comment section ng post ni Super Tekla.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“God Is Good Nay Hindi Nya Papa Bayaan Si Angelo In Gods Will”

“Lahat may kasagutan idol laban lang, dami na pinagdaanan ni baby angelo ngayun pa diyan susuko, sending hugs God bless”

“Lakasan mo loob mo Tekla. Kapit ka sa Diyos. Malalagpasan din ni angelo lahat yan. Sending prayers”

“laban lng idol tekla.kya ni annge yan.at ang will nmn ni lord ang mannaig sa bandang huli.kya.mg tiwla tayu sa ama.get well ky bb angge”

“Laban lng Ange kasma ka sa amin dalangin bukas magaling kna in jesus name amen”

Matatandaan na nakaraang taon lamang ay isinailalim sa operasyon ang kaniyang anak sa dating kinakasama na si Michelle.

Matapos itong maisilang na may an0rectal malf0rmati0n o kawalan ng butas sa kaniyang puwit na naging matagumpay naman.

Ngayon ay muling nahaharap sa matinding pagsubok ang pamilya ni Super Tekla dahil sa pagkaka-confine at pagkakaroon ng nakakahawang sak!t ng anak.

Gayunpaman, sa tulong ng kanyang mga kaibigan at supporters ay paniguradong magkakaroon ng lakas ng loob si Tekla na malagpasan lahat ito.

Get well soonest Baby Angelo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *