Ogie Diaz, Nag-Aalala sa Bantang Natanggap ni Aiko Melendez Dahil sa Gagawin na ito!

Sa panahon ngayon, parami na ng parami ang mga sikat na personalidad na sumasabak sa pulitika. Hindi na bago sa atin ang makakita ng mga artista na sinusubukang tumakbo sa posisyon sa gobyerno. Kabilang na sa kanila ang batikang Kapamilya aktres na si Aiko Melendez.

Hindi pa man pormal na ina-anunsyo ni Aiko ang kanyang pagkandidata sa nalalapit na eleksyon, mukhang kaliwa’t-kanan na ang kinakaharap niyang problema.

Kamakailan lang, ibinunyag ng malapit na kaibigan ni Aiko na si Ogie Diaz na nanganganib ang buhay ng aktres matapos itong sumabak sa politika.

Ayon kay Ogie, nakatanggap ng mga text messages na puno ng pagbabanta si Aiko. Malinaw daw na nais patigilin ang aktres sa balak nitong pagtakbo sa posisyon sa District 5 ng Quezon City. Bukod dito, alam rin daw ng mga nagbabanta kung saan nakatira ang aktres.

“Eh diyos ko, tinatanggal ang kanyang mga tarpaulin. Ang nakakaloka, may banta kay Aiko. Ang sabi, ‘Ingat lang naka masid kami sa lahat ng galaw mo. Kung ako sayo, wag ka na tumuloy tumakbo. Alam namin lahat pati san ka nakatira at kung saan ka ngayon. Mag isa ka diba?’ So nananakot, death threat ito.”

Hinuha ni Ogie ay kalaban ni Aiko sa politika ang nagpadala ng mga banta. Nanawagan rin ito na itinigil na ang pagbabanta kay Aiko dahil dirty tactics lamang ito, at dahil hindi rin naman daw matitinag ang aktres.

“Halatang kalaban sa politika. Mukhang nalalakasan sila kay Aiko Melendez sa District 5 ng Quezon City. Pag sa politika, aasahan mo, napakarumi talaga niyan.

“Nakakaloka nito, Loi, ay talaga namang kawawa si Aiko. Sana wala nang ganyan na mga bantaan. Hindi maganda ‘yan kasi baka bumalik ‘yan sa inyo.”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *