Ito Pala Ang Tunay Na Dahilan Ng Pagkatanggal At Pagkaalis Ni Kim Chui Sa It's Showtime

Ano nga ang kwento sa likod ng kumakalat na balita tungkol sa aktres na si Kim Chui sa isang kilalang variety show sa ABS-CBN?

September 28, 2020 nang opisyal na makasama ng It’s Showtime barkada ang Chinita Princess na si Kim Chui bilang isa sa mga bagong main host ng noontime show. Makailang beses na ding nakikita at napapanood si Kim sa nasabing show bilang isang guest at ginusto nilang mapasama siya sa noontime show dahil sa ito ay nakakatuwa at ibang energy at good vibes ang naibibigay nito sa mga viewers.

Subalit noong nakaraang taon lamang nang mapagdesisyunan ng production team na isama ang aktres sa grupo nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Ryan Bang, at iba pa. Maraming fans ang natuwa nang napasama si Kim sa noontime show dahil nakikita nila dito ang ibang personalidad ni Kim. Isang natural na komedyante si Kim na kayang makipagsabayan sa mga beteranong host ng show.

Ang pagpasok ni Kim sa It’s Showtime ay hindi din naging madali. Pinag-usapan noon na mayroong isang kasamahan sa show na hindi siya nais mapasama sa kanilang grupo. Si Kim mismo ang nagsabi na hindi lahat ng nasa It’s Showtime ay tanggap ang kaniyang pagkakasali sa show.

Sa isang madamdaming mensahe ni Kim kay Vice Ganda noong nag-celebrate ito ng kaniyang kaarawan sa show, sinabi niya na malaki ang kaniyang pasasalamat sa komedyante dahil sa pagtanggap sa kaniya ng buong buo nang mapasok siya sa show. Dagdag pa ng aktres, madami ang hindi natanggap ang pagkakasama niya sa kanilang grupo subalit ang taong iyon ay wala na sa nasabing show.

Marami ang naglabas ng kanilang saloobin tungkol sa mensahe ni Kim at pinag-usapan kung sino ang taong iyon na nabanggit ng aktres na hindi siya natanggap bilang miyembro ng noontime show. Lumabas ang balitang ang dating director ng nasabing show ang siyang may ayaw kay Kim na mapasali sa kanilang grupo.

Matatandaan na umalis ito sa showbiz matapos ang 11 years at ang isang rason ay dahil sa binabaan umano ang kaniyang talent fee. Ito ang nangyari simula noong mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN noong isang taon.

Humanga naman si Vice Ganda sa pagiging propesyonal ni Kim pagdating sa kaniyang bagong trabaho bilang host ng noontime show. Sinabi nito na madaling nakakabisado ng aktres ang kaniyang mga linya subalit pinayuhan din na huwag itong masyadong seryosohin dahil maraming fans ang nais siyang makita na nagkakamali din

Paglalahad ni Vice, masarap at magaan katrabaho si Kim dahil mabilis itong pumapayag na mapaglaruan ng komedyante kapag on-air na sila. Sinabi din ng komedyante na team player si Kim at isang kapamilya din na marunong makisama sa mga katrabaho.

Ani Vice, nararamdaman nilang lahat na madaling magkaroon ng koneksyon kay Kim kaya’t pinayuhan niya ito na hayaan lamang ang kaniyang sarili na magkamali dahil iyon ang isa sa mga paraan kung saan makikita ng mga manonood na nakakaaliw sila.

Isang blessing si Kim sa kanilang show kaya naman sinabi nito na ipagpatuloy lamang ng aktres ang pagpasok sa noontime show at i-enjoy ang bawat araw na magkakasama sila.

May isang episode din ng It’s Showtime kung saan ipinagtaka ni Kim kung ano ang kaniyang maling nagawa habang naka-ere ang show. Dahil napagkatuwaan na naman siya ng mga kasamahan, isang topic ang hindi pinalampas ng ibang mga host kung saan biniro nila ang aktres at iniwang mag-isa sa stage. Hindi maintindihan ni Kim kung ano ang kaniyang kamalian kaya nagsialisan ang mga ito. Lumalabas kasi na hindi na-impress ang mga kasamahan sa ginawa ni Kim kaya naman ang binitiwang salita ni Vice ang nagbigay ng malakas na tawa sa mga kasamahan nitong sina Vhong at Jhong na binibiro si Kim.

Pinag-usapan din noon sa isang episode ang pagkawala ni Kim sa noontime show. Napag-alaman kasi na nagpunta ito sa beach para magbakasyon at i-celebrate ang Valentine’s Day. Todo ang paliwanag ni Kim sa rason ng kaniyang pag-absent ngunit sinabi ni Karylle na hindi kailangan ng aktres na magpaliwanag dahil isa siya sa mga masisipag na nagtatrabaho sa show. Muli na namang napagkatuwaan ng mga kasamahan nito na ilagay sa spotlight si Kim dahil sa Valentine’s celebration kasama ang boyfriend na si Xian Lim.

Nitong nagdaang mga araw lamang ay naging usap-usapan na naman sa social media ang tila pagkawala ng exposure ni Kim sa It’s Showtime. Marami ang nakapansin na hindi na ito kasama sa ilang segments kung saan siya ang dapat na host. Pinagtakahan din ng mga netizens at mga fans kung bakit naging ganoon ang pagtrato nila sa aktres na magiisang taon ng parte ng pamilya ng show ngayong buwan.

Ang mga ito ay naglabas ng kanilang saloobin ukol sa napansin nilang pagbabago sa nasabing show.

Narito ang mga naging pahayag ng mga supporters ni Kim sa social media kung saan nag-trending ang aktres:

“Lagi kong inaabangan ang mga pa-OOTD ni Kim and napakataas ng kaniyang energy at buong presence niya sa show. Kung kailan naman lagi siya nag-trend, saka naman binawasan exposure niya.”

“We miss seeing Kim Chui on Showtime as a host of Madlang People and Reyna ng Tahanan.”

“Oo, iba yung ingay na dala niya. Nakakamiss talaga isang Kim Chui. We always want Kim Chui on It’s Showtime. Ang tamlay namin noong hindi siya nag-host.”

“Stiff competition is on. Daily, Mondays to Fridays over which noontime show is the best. You took Kim Chui to be one of your hosts to strengthen your team as well as to attract more viewers. You have known her to be that loud yet you still took her in. She may be exaggerating things at a time but her energy and presence just attract positive vibes. We can’t keep mum about something so obvious. If there’s a problem, please discuss it. Please give her the exposure she rightfully deserves. After all, she is an asset to your show.”

Noong August 28 ay naging isa sa hottest trending topic ang hashtag Kim Chui na nakakuha ng mahigit 8,000 tweets. Isang netizen naman ang nag-tweet tungkol sa isang international project noon para kay Kim ngunit hindi ito natuloy.

Ayon sa post,

“2010. Movie Superstar Jackie Chan personally picked Kim Chui for a movie. But later that year, it was put on hold then canceled due to scheduling. Kim remained quiet & did not even question Star Cinema why. It could have been another defining moment.”

May lumabas din na balita tungkol sa pagkakatanggal diumano ni Kim sa noontime show noon. Ayon sa naging paglilinaw dito, nag-birthday leave lamang ang aktres noong mawala siya sa show at may gagawin din itong shoot para sa isang commercial na matagal ng naka-schedule.

Nang mapag-usapan ang tungkol dito, sinabi ni Kim na naging busy lamang siya sa kaniyang ibang trabaho.

Samantala, naging agaw pansin naman ang ipinost ng kaniyang boyfriend na si Xian Lim sa social media. Ni-repost kasi nito ang isang IG Story ni Kim tungkol sa paglalarawan sa isang tao na may zodiac sign na Taurus.

Ang nakalagay sa post ni Kim, “As a Taurus you are often taken for granted due to very kind and sensible nature. You aren’t likey to reverse a decision.”

Nag-story repost naman si Xian at naglagay ng isang quote mula sa singer na si Beyonce Knowles.

Ayon sa actor,

“Your self-worth is determined by you. You don’t have to depend on someone to tell you who you are.”

Maliban sa quote, nagsulat ng kaniyang mensahe si Xian para sa girlfriend at sinabing,

“Never dim your light for the sake of others my love. In this lifetime, all we have is our self worth. Don’t let anyone take that away from you.

“Yes you are loved by millions. Keep moving forward.”

Ang mga netizens ay ipinagpalagay na ang mensaheng iyon ni Xian para kay Kim ay may kinalaman sa pagkabawas ng kaniyang air time sa noontime show. Nangangamba ang karamihan sa kaniyang mga supporters na hindi na nila muling mapapanood ang aktres sa tanghali. Marami naman ang umaasa na magbabalik sa pagho-host ng ilang mga segment si Kim sa It’s Showtime.

Hanggang ngayon ay wala pang malinaw na dahilan kung bakit ito hindi masyadong nabigyan ng air time sa noontime show. Tanging si Kim lamang at executives ng show ang makakapagsabi sa tunay na dahilan kung bakit tila naging matamlay ito at kulang ang exposure sa noontime show.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *