KC Concepcion, May Bwelta sa Basher na Tinawag Siyang 'Mukhang Clown' sa Social Media

Sa panahon ngayon, nagkalat na ang mga bashers sa social media. Mapasikat na artista man o public figure ay hindi ligtas sa mapanuring mata ng mga kritiko. Bawat kilos at galaw nila ay minamanmanan ng publiko, kung kaya naman kadalasan ay natututo na rin ng mga personalities kung paano i-handle ang mga kontrobersya.

Kabilang na ang aktres na si KC Concepcion sa mga pinuputakte ng bashers sa social media. Kahit pa isang magaling na artista at mabuting tao si KC, hindi maiiwasang may mga netizens ang pumupuna sa kanya. Kadalasang nagiging tampok ng kontrobersya ang di umano’y malaking pagbabago sa katawan ni KC.

Sa Instagram, madalas makatanggap ng di magandang komento ang anak ni Megastar Sharon Cuneta mula sa mga kritiko. Ngunit imbes na i-ignore lamang ang mga masasakit na salita ng mga ito, natutunan na rin ni KC na sumagot at depensahan ang kanyang sarili mula sa mga bashers.

Noong 2019, matatandaang nag-viral si KC matapos niyang sagutin ang bashers niya. Kabilang na sa kanila ang netizen na ito na nag-komento sa kanyang bagong selfie sa Instagram. “For me, KC before is more beautiful. Simple beauty but very charming,” pahayag ng netizen.

May isa ring nagsabi na di umano’y nagmukha ng ‘clown’ ang dating aktres dahil sa kapal ng make up nito:

“Mukha ka na clown sa kapal ng make up mo. Sorry for the comment, beautiful ka pa naman.” Imbes na sagutin ay nag-iwan na lang ng sarcastic na comment si KC para dito: “Oh! Ang ziiiiweet mo.”

Sa kabilang banda, ipinagtanggol naman ng mga fans ang aktres. Ayon sa kanila, mapapansin na mas masaya ngayon si KC sa kanyang private life kumpara noong nasa limelight pa siya. Dagdag pa nila, hindi totoong nagparetoke ito at noon pa ma’y natural beauty na talaga si KC.

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *