Andrea Brillantes, umani ng iba't ibang reaksyon online dahil sa kaniyang "threatened" na pahayag ukol sa mga bagong artista

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang aktres na si Andrea Brillantes matapos niyang aminin ang kaniyang totoong saloobin patungkol sa mga bagong pausbong na artista ngayon sa showbiz.

Sa kaniyang kwentuhan kasama ang kaniyang ka lovetea na si Seth Fedeline para sa vlog ng kanilang channel na The Gold Squad Plus, ibinunyag ni Andrea na bagamat masaya siya para sa mga baguhang artista ay hindi niya maiwasang kwestyunin ang kaniyang kakayahan dahil di tulad ng iba ay inabot siya ng maraming taon sa showbiz bago niya makuha ang inaasam-asam na big break.

Ayon kay Andrea, ito ang bagay na pinaka ayaw niyang na eexperience bilang artista.

“Antagal ko na kasi di ba, sobrang sakit sakin na pag may mga bagong dumadating sikat na sila agad. Na ako yung mga hindi na kailangan na… ansakit… parang plato na binasag, ako,” sagot ng dalaga.

Dagdag pa niya, “Yun ako, ako yung plato, sa tuwing nakikita ko ang lahat ng taon na pinagtatrabahuhan ko. Lahat ng taon na dasal nang dasal ako para makuha iyon.”

“Tapos etong bagong to, makukuha niya lahat. Makikita ko siya diyaan. Tapos ako bakit, ginawa ko naman lahat, nagdarasal ako araw-araw. Ilang taon na. Tapos mapupunta lang sa iba.”

Para kay Andrea, sa tuwing nakaka saksi siya ng ganoong pangyayari ay tila isa siyang pinggan na binabasag dahil harap-harapang ipinapamukha sa kaniya ang mistulang “easy access” patungo sa kasikatan.

“Anong kulang sakin, ano pa bang dapat kong gawin.”

Ngunit hindi naman ito nagustuhan ng netizens at marami sa kanila ang nag aasam na mas matutunan ng dalaga na magpasalamat na lamang sa mga naging bunga ng kaniyang paghihirap kahit hindi naging ganoon kadali ang kaniyang lakbay.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *