Silipin Ang Sasakyan Na Nabili Ni Lyca Gairanod Dahil Sa Kaniyang Pag Vvlog

Lalong pinahanga ng dating The Voice Kids season 1 winner na si Lyca Gairanod ang kaniyang mga fans matapos niyang ibunyag na sa edad ana 16 ay nabili na niya ang kaniyang pangarap na sasakyan na bunga ng kaniyang pag vvlog.

Bukod sa kaniyang singing career ay nag umpisa na ring mag focus sa pagiging Youtube vlogger ng 16 year old na singer na ito.

Nasaksihan na nila kung paano niya pinagawa ang kaniyang bagong bahay, makabili ng kotse, at kahit ang sira-sirang bahay ng kaniyang lola na nagpalaki sa kaniya.

Sa kaniyang bagong vlog, nagsagawa ng Car Tour ang dalaga kung saan ipinakita niya ang laman ng kaniyang sasakyan na naipundar.

Ayon sa kaniya, laman-laman nito ang lahat ng mga gamit na kinakailangan niya tuwing mayroon siyang mga projects o mga gig.

Itinuturing niya na rin itong kaniyang pangalawang tahanan.

Bukod sa sasakyan ay isa sa kaniyang pinagmamalaking naipundar ay ang kaniyang bagong bahay.

Mula sa pagiging mangangalakal ng bakal, bote, at dyaryo, ngayon ay matagumpay na siya sa kaniyang buhay.

“Pinagawa ko ‘tong bahay na ‘to para may matutuluyan kami ng mga family namin just in case makita ulit namin ‘yung bahay namin. Nandiyan lang din ‘yung bahay namin. Malapit lang din. Konting lakad lang,” sabi niya sa kaniyang vlog.

Dagdag pa niya, “Plain man ang bahay na ito, hindi man kalakahihan, at least nakakapagpahinga tayo ng maayos and okay naman itong bahay na ‘to. Actually, may mga plans pa ako sa bahay na ‘to. Soon malalaman niyo din,”

Added her, “Minsan dito si Lola nag-sstay ‘pag gusto niya magpahinga ganu’n. Minsan lang siya napunta du’n sa bahay kasi ‘di pa naman tapos ‘yun.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *