Kilalanin Ang Gwapo at Anak Ng Bilyonaryong Nagpapasaya Ngayon Sa Aktres Na Si Sue Ramirez

Kilalanin si Javi Benitez, ang anak ng bilyonaryong si Albee Benitez na ngayo’y nagpapatibok sa puso ng Kapamilya actress na si Sue Ramirez.

Una silang nagkita noong naghahanap si Javi ng isang leading lady para sa isang pelikula at binanggit ng kanilang kaibigang kapwa si Sue. Nais niyang makipagtagpo para sa dinner ngunit sa oras na iyon, ang aktres ay abala sa maraming mga proyekto, pagbabalanse sa Cuddle Weather, A Soldier’s Heart, Dead Kids, at Finding Agnes. Kaya sa halip, nagpunta si Javi sa ensayo ng concert ni Sue.

Ayon kay Sue, “First time ko siyang makita ever. Ang tangkad pala ni Javi. Cute din pala. Mukha pala siyang action star.” Samantalang para kay Javi, punong-puno naman ng enerhiya ang vibe ni Sue na agad niyang nagustuhan.

Matapos ang mahabang pangliligaw ay nakuha na rin ni Javi ang loob ni Sue.

Sa isang interview naman, sinabi ni Javi na minsan na nilanng naisipang mamalagi sa Negros Occidental ni Sue upang magsama.

“We were thinking about it, ‘Sa Negros na lang kaya tayo?’ Di ba? ‘Kasi, kung magla-lockdown sa Maynila, baka puwede tayong umikot sa Negros.’

“Sabi namin, huwag na lang muna. Kasi, baka hindi agad tayo makakabalik—which was true. Dahil ang tagal pa bago bumukas, so mahirap.

“Kaya the first time we saw each other after so many weeks, napakaganda.”

At dahil nga anak ng isang batikan na producer, itinuuring din ni Javi ang sarili niya bilang “unofficial” manager ni Sue.

“Well… ahh, ako personally, siyempre, as much as possible, ayoko muna. Hahahaha.

“Pero I understand naman na kung very artistic kasi siya, and game naman. You know, Sue is very fearless.

“Sabi ko, for the art, saka okay lang naman. Pero pinag-usapan nga namin… parang naging unofficial manager ako tuloy.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *