Bride na Nagdadalang-Tao, Bigla na Lamang Pumanaw Ilang Sandali Bago Ito Ikasal

Para sa karamihan ng mang-irog, ang kasal na siguro ang isa sa pinakamahalagang araw sa kanilang buhay. Sa espesyal na araw ng kanilang pag-iisang dibdib, haharap sila sa altar upang maging ganap na mag-asawa. Para naman sa bride at groom na ito sa Brazil, mas lalong naging espesyal at exciting ang kanilang kasal dahil buntis ang bride.

Ilang buwan ring plinano at pinaghandaan ng mag-nobyong sina Flavio Goncalves at Jessica Guedes ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Ngunit hindi nila inaasahan na mayroon palang naghihintay na trahedya sa araw na ito. Nauwi sa malungkot na pangyayari ang dapat ay espesyal na araw nila.

Ayon sa mga reports, pitong buwang buntis na si Jessica nang ikasal sila ng kanyang nobyong si Flavio. Talagang excited ang dalawa sa buhay na naghihintay para sa kanila at sa kanilang baby, ngunit sa araw mismo ng kanilang kasal ay di inaasahang pumanaw ang bride.

Si Jessica ay nasa loob ng limousine papuntang simbahan upang masilayan ang kanyang fiance. Ngunit habang nasa biyahe ay bigla na lamang itong nawalan ng malay ay hindi na nagising pa. Matapos malaman ni Flavio ang nangyari, agad itong tumakbo palabas ng simbahan para makita ang kanyang bride.

Nang magkita sila ay buhay pa si Jessica, ngunit nagreklamo ito na sumasakit ang kanyang leeg. Agad itong isinugod sa ospital, ngunit kahit pa may heartbeat pa si Jessica ay idineklara na itong brain dead.

Ayon sa mga doktor, mayroong pre-eclampsia si Jessica, kung saan tumataas ang blood pressure ng buntis. Maaari rin daw itong magdulot ng peligro sa nanay at sa sanggol kapag hindi naagapan. Agad silang nagperform ng cesarean procedure upang mailigtas ang pitong-buwang gulang na sanggol.

Matagumpay nilang nailigtas ang sanggol, na pinangalanang Sophia, kahit pa wala na ang nanay nito. Ilang linggo ring nanatili sa neonatal intensive care unit si Sophia.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *