John Lloyd Cruz, Kapuso na? Magiging Leading Man ni Andrea Torres sa Bagong Sitcom!

Ilang taon na rin ang lumipas simula nang wala sa mainstream media ang matinee idol na si John Lloyd Cruz. Matatandaang taong 2017 nang mag-file ito ng ‘indefinite leave of absence’ mula sa kanyang home network na ABS-CBN. Mula noon, hindi na muli pang napanood si John Lloyd sa telebisyon at big screen dahil pinili nitong mag-focus sa kanyang personal na buhay.

Kaya naman maraming fans ang talagang naka-abang sa comeback ng actor. Kamakailan lang, napabalita na mukhang magkakaroon ng programa ang award-winning actor sa Kapuso network. Ayon sa ‘teaser’ ng Wowowin host na si Willie Revillame, magbabalik acting na rin siya at nais niyang makatrabaho si John Lloyd.

Ayon kay Willie, kinausap niya muna ang ABS-CBN president na si Carlo Katigbak upang humingi ng permiso sa pagbabalik telebisyon ni John Lloyd. Kaya naman malaki rin daw ang pasasalamat niya dito at sa GMA-7 sa pag-accomodate sa bagong sitcom na ipo-produce ni Willie.

Dagdag pa niya, binabalak niya ring gawing leading lady ni John Lloyd si Andrea Torres, na dati na ring naging host ng Wowowin. Sa ngayon ay nasa lock-in taping pa si Andrea para sa “Legal Wives,” at ayon dito, hindi pa siya nasabihan ng kanyang manager tungkol sa offer na ito.

Gayunpaman, nagpahayag ng excitement at tuwa si Andrea. Ayon sa kanya, isang malaking karangalan ang maka-trabaho si John Lloyd. Aminado rin ang Kapuso actress na isa siyang fan ng matinee idol, kaya namang naglu-looking forward siya para sa exciting project na ito.

“Nakakatuwa naman po. If ever, it would be a great honor. He is a brilliant actor and I am a fan. I’m sure enjoy po gawin ang project na yun. I would also like to express my gratitude to Kuya Willie Revillame for considering me for the project,” pahayag ni Andrea sa kanyang interview sa Philippine Entertainment Portal.

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na video, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *