"Tinu-two time mo anak ko"- Dennis Padilla, Nagalit kay Gerald Noong Nililigawan pa Lang si Julia

Taong 2019 nang ma-link si Julia Barretto sa kanyang movie leading man na si Gerald Anderson. Noong mga panahong iyon, karelasyon pa ni Gerald si Bea Alonzo, kaya naman todo deny si Julia at Gerald na may namamagitan sa kanila. At ngayong 2021 lang, sa wakas ay inamin na rin ni Julia ang kanilang relasyon.

Ngunit sa kontrobersyang ito, labis na naapektuhan rin ang mga tao sa paligid ng dalawa. Isa na sa kanila ang beteranong aktor na si Dennis Padilla, na ama ni Julia. Sa kanyang interview kay Ogie Diaz, ibinahagi ni Dennis ang naging usapan nila ni Gerald noon.

Ayon kay Dennis, noong kasagsagan pa ng isyu ay maraming nag-aakusa kay Julia na third party. Kaya naman kinausap niya si Gerald upang malaman ang totoo. Itinanggi ni Gerald na sila pa ni Bea, at nangako din umano ito na ipagtanggol si Julia sa publiko. Ngunit hindi naman it natupad.

“Natanong ko kay Gerald noon kung ‘Syota mo pa ba si Bea?’ Ang sabi niya, ‘Hindi.’ Sabi ko, ‘Okay, para wag naman lumabas na kontrabida ang anak ko. Sana ipagtanggol mo in public.’ Sabi niya,’ Sige, tomorrow Tito Dennis, magbibigay ako ng interview.’”

Ngunit nang lumabas ang totoo matapos magbigay ng pahayag si Bea, saka lamang napagtanto ni Dennis na nagsinungaling sa kanya si Gerald. Hindi daw nito mapigilang magalit, lalo pa’t ayaw niyang madawit sa isyu at masaktan ang kanyang anak.

Hindi nagtagal at si Julia rin daw mismo ang nagpaliwanag kay Dennis ng totoo. Ayon sa beteranong aktor, isa lamang ang masasabi niya kay Gerald:

“Mahalin lang niya anak ko. Huwag mo lolokohin. Huwag mo lang sasaktan. Malaking bagay sa akin yun. It’s showing your respect to the dad ng minamahal mo. Mas mapapakita mo na mahal mo yung anak ko kung irerespeto mo yung tatay niya.”

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *