Lalaki Bumili ng Second Hand na Kotse, at Nang Ayusin Niya ang Pinto ay Nagbago ng Kaniyang Buhay sa Natuklasan Niya

Isang netizen ang viral ngayon matapos siyang bumili ng isang second hand na sasakyan. Kung tutuusin ay isang “good catch” ang deal na nakuha niya, dahil sa napak murang halaga ay halos brand new pa ang sasakyan na ito.

Ngunit may isang problema, ayaw bumaba ng bintana nito!

At dahil isang natural na DIY (Do It Yourself) fan, sinubukan na lamang niyang kumpunihin ang sira. Binuksan niya ang mismong pintuan, at nakita niyang wala namang halos problema sa loob nito.

Maliban sa isang maliit na itim na plastic bag na naka harang sa ilalim ng pintuan, na siyang mismong dahilan kung bakit hindi mabuksan ang bintana ng sasakyan.

Kung kaya naman dali-daling kinuha ng may ari ng sasakyan ang bag upang kilatisin, at agad niyang napansin ang kabigatan ng timbang nito!

Nang buksan ay bumungad sa kaniya ag maraming bundol ng foil na nagbigay kaba sa kaniya.

Isa ba itong kemikal? O ipinagbabawal na gamot? O hindi naman kaya mga baril? Hindi niya makuhang buksan agad ang mga ito.

Matapos ang ilang oras na pagpapakalma sa sarili at pag sisigurado sa kaligtasan ng lahat ay nag handa na ang may ari upang buksan ang mga foil.

At halos malaglag ang kaniyang panga sa kaniyang nakita!

Dahil imbis na illegal na droga o kung ano pa mang nakaka takot na bagay ang kaniyang matuklasan ay tila isang blessing in disguise pa ata ang nangyari!

Bundol lang naman ng libu-libong cash ang nakita ng may-ari, na tinatayang pumatak sa ilang libong dolyar!

Sa ngayon ay walang balita kung ibinalik ba ng netizen ang pera sa mga awtoridad o kung kinuha niya ito at itinabi.


What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *